SB tatakbong muli sa Kongreso

Pormal na naghain si House Speaker Feliciano Belmonte ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-kongresista ng 4th district ng QC. Sinamahan siya nina QC Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte at mga tagasuporta.  Edd Gumban

MANILA, Philippines –  Muling tatakbo sa Kongreso si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. matapos itong maghain ng kanyang Certificate of Candidacy para kinatawan ng ika-4 na distrito ng lungsod ng Quezon.

Alas 3:30 ng hapon nang magtungo si Belmonte sa Comelec office kung saan nagpahayag din ito ng kumpiyansa na muli siyang mananalo sa 2016 elections.

Ayon kay Belmonte, tiwala siya na maipagpapatuloy pa rin niya ang  mga socio-economic reforms sa pamamagitan ng legislations upang mapalawak pa ang  negosyo at investment para sa pag-unlad ng bansa.

Naniniwala rin si Belmonte na mananatili siyang House Speaker sa 17th Congress sa Hunyo 2016.

Una nang sinabi ni Majority Leader at Mandalu­yong Rep. Neptali Gonzales Jr. na may magandang ugnayan si Belmonte sa mga lider ng iba’t ibang partido pulitikal.

Show comments