Grace-Chiz naghain na rin ng COC

Ipinakita ng tambalan nina Grace Poe-Chiz Escudero  ang kanilang mga certificate of candidacy sa pagka-presidente at bise presidente matapos maghain ng COC kahapon sa Comelec sa Intramuros, Maynila.  Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines – Naghain na rin kahapon ng kanilang certificate of candidacy sina Senators Grace Poe at Chiz Escudero na tatakbong presidente at bise presidente ng bansa.

Kasama ni Poe ang kanyang ina na si Susan Roces samantalang si Escudero ay sinamahan ng asawa na si Heart Evangelista.

“Ang dasal ko sa bayan at sa Panginoon - kung ano man po ang gagawin ko, ito ay para sa mas nakararami,” ayon kay Poe.

 Muli nitong inihayag ang paniniwala na hindi lamang dapat karanasan ang batayan ng pamumuno kung hindi tapat na puso na manilbihan sa mga mamamayan.

Sinabi naman ni Escudero na layunin niya na magkaroon ng “pamahalaang may pakiramdam at may nararamdaman”

Layunin din umano nila ni Poe na “ipagpatuloy kung ano ang tama, punuin kung ano ang kulang, at wastuhin ang mali sa ating lipunan.”

Kinumpirma ng tambalang Poe-Escudero na kompleto na ang kanilang senatorial line-up para sa 2016 elections.

Pero ayon kay Poe ay maaring sa susunod na linggo pa nila i-anunsyo ang buong line-up, bagamat kanya-kanya na silang naghain ng CoC.

Show comments