Poe, Chiz tandem sa 2016 opisyal na

MANILA, Philippines — Sabay na naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) sina Sen. Grace Poe at Sen. Francis “Chiz” Escudero upang gawing opisyal ang kanilang tambalan sa eleksyon 2016.

Kasama ni Poe ang kaniyang inang si Susan Roces, habang sinamahan naman si Escudero ng kaniyang asawang si Heart Evangelista.

Tatakbong independent candidates sina Poe at Escudero na nanguna sa presidential at vice presidential survey ng Social Weather Stations at Pulse Asia.

Sa susunod na linggo inaasahang ihahayag nina Poe at Escudero ang kanilang senatoria slate.

Naghain si Poe ng kandidatura sa kabila ng kinakaharap na kasong diskwalipikasyon na kumukuwestyon sa kaniyang pagiging Pilipino.

Tinanggap naman ng Commission on Election ang COC ni Poe dahil wala pa namang husga ang korte.

 

Show comments