^

Bansa

P3-T budget hinging sertipikahan ni PNoy

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ng liderato ng Kamara kay Pangulong Benigno Aquino III na sertipikahan bilang urgent bill ang panukalang P3-trillion national budget para sa susunod na taon. 

Ito ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales ay para maaprubahan ng Mababang Kapulungan ang pambansang pondo sa 3rd and final reading bago magbakasyon ang Kongreso simula sa October 10. 

Target ng kamara na ipasa sa 2nd reading ngayong huling linggo ng sesyon ang 2016 budget. Subalit, ayon kay Gonzales, maaari na rin nila itong aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa kung masesertipikahang urgent ng pangulo.

Matatandaan na siniguro na rin ni House Speaker Feliciano Belmonte na ipapasa nila sa 2nd reading ang General Appropriations Bill sa dara­ting na Biyernes. Itutuloy umano nito ang text brigade sa mga kongresista para matiyak na may quorum sa plenary debates. Ito ay dahil simula noong nakaraang linggo, ay maghapon ang sesyon ng kamara para mapagtibay ang 2016 budget.

ACIRC

ANG

BELMONTE

BIYERNES

GENERAL APPROPRIATIONS BILL

HOUSE MAJORITY LEADER NEPTALI GONZALES

HOUSE SPEAKER FELICIANO

ITO

MABABANG KAPULUNGAN

NBSP

PANGULONG BENIGNO AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with