^

Bansa

Bongbong tatakbo na ring VP

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinahayag kahapon ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tatakbo na rin siyang bise presidente ng bansa sa eleksiyon sa susunod na taon.

Kasabay ng pag-kumpirma, sinabi ni Marcos na ispekulasyon lamang ang mga ulat na makikipag-alyansa siya sa isang partikular na presidential candidate.

Ipinaliwanag ni Marcos na lumipad siya sa Davao noong Miyerkules upang konsultahin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nangako namang susuportahan siya sakaling magdesisyong kumandidato bilang bise presidente. Nangako rin si Marcos kay Duterte na susuportahan ito kung tatakbong presidente.

Kaugnay naman kay Vice President Jejomar Binay, sinabi ni Marcos na inimbitahan siya nitong maging running mate.

Nagkaroon aniya ng mga inisyal na pag-uusap sa pagitan ng kanilang mga supporters, pero ayon kay Marcos, anumang team up sa pagitan nila ay dapat  nakasalalay umano sa iisang vision para sa bansa at pagkakaroon ng parehong plataporma.

Pero mahirap aniyang mapag-isa ang kanilang makahiwalay na pananaw sa pulitika.

Inihalimbawa ni Marcos ang paniniwala niya na obligasyon ng mga halal na opisyal na  baguhin ang pulitikang nakabatay sa personalidad na isa aniya sa mga dahilan kung bakit patuloy na yumayaman ang mga mayayaman at naghihirap ang mga mahihirap.

Naging kalakaran na rin aniya ang korupsiyon, problema sa droga at na­ging katanggap-tanggap na ang ‘incompetence’.

Sinabi ni Marcos na ipinagkakatiwala na niya ang kanyang kapalaran sa pulitika sa kamay ng mga mamamayang Filipino. Hiniling niya na hatulan siya ng mga mamamayan kung karapat-dapat na pagkatiwalaan bilang bise presidente ng bansa.

“Isinasalalay ko ang aking kapalarang pulitikal sa kamay ng mamamayang Pilipino.

Mapagkumbabang-loob na hini­hiling ko sa kanila na hatulan kung dapat ba o hindi na ma­pagkatiwalaan nila ako para maging Bise Presi­dente batay sa aking nagawa bilang lingkod-bayan sa nagdaang 26 na taon- una ay bilang dating Vice Governor at Governor ng Ilocos Norte, bago naging kinatawan sa Kongreso ng ikalawang distrito ng Ilocos Norte at ang panghuli ang pagiging senador ng bansa,” sabi pa ng tanging anak na lalake ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

ACIRC

ANG

BISE PRESI

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

ILOCOS NORTE

MARCOS

MARCOS JR.

MGA

PANGULONG FERDINAND E

SENATOR FERDINAND

VICE GOVERNOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with