MANILA, Philippines – Hinamon kahapon ni Sen. Vicente Sotto III ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na magpakitang gilas sa pamahalaan at tumulong sa pagsalba sa mga biktima ng kidnapping sa isang resort sa Samal island.
Sinabi ni Sen. Sotto, ito ang panahon para ipakita ng MILF na sila ang may control sa Mindanao at hindi ang ilang armadong grupo.
Nitong nakaraang Linggo lumusob ang ilang armadong grupo at matagumpay na nabihag nila ang tatlong banyaga at Pinay sa Island Garden sa City of Samal.
“This is an opportunity for the MILF to show that they too can protect the people against lawless groups in Mindanao,” ani Sotto.
Patuloy pa rin ang paghahanap ng mga otoridad sa mga biktima pero wala pang grupong umako sa kidnapping
Ang MILF ang siyang kausap ng pamahalaan kaya’t nagkaroon ng Bangsamoro Autonomous Region Bill at kasalukuyang nasa interelasyon na sa Senado.