Reyes brothers sa Gerry Ortega slay case tiklo sa Thailand
MANILA, Philippines — Nadakip na ang mga suspek sa pagpatay sa mamamahayag na si Gerry Ortega na sina dating Palawan Gov. Joel Reyes at kapatid na si dating Coron Mayor Mario Reyes sa Bangkok, Thailand kahapon.
Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na kinumpirma sa kanila ng Bureau of Immigration at Interpol Manila branch ang pagkakahuli sa magkapatid na lumabas ng bansa upang magtago.
Dagdag ng kalihim na inaasikaso na nila ngayon ang deportation nina Joel at Mario Reyes.
Umaasa ang asawa ni Ortega na si Patty na magiging patas ang pagtrato ng batas sa dalawang bigating suspek.
"Walang special treatment," wika ni Patty sa kaniyang panayam sa dzBB ngayong Lunes.
Binaril sa likurang bahagi ng ulo si Ortega matapos ang kaniyang trabaho sa Palawan radio station RMN dwAR-FM.
Itinuturo ang magkapatid na Reyes na mga mastermind sa pagpatay sa mamamahayag.
Nadakip pa rin ang magkapatid sa kabila ng pagkasawi ng testigong si Dennis Aranas at ang akusadong si Valentin "Percival" Lecias.
- Latest