Sembreak pamalit sa 4 days na walang pasok
MANILA, Philippines – Inihayag ng pamunuan ng Federation of Association of Private Schools and Administrators (FAPSA) na gamitin ang semestral break bilang pamalit sa apat na araw na walang pasok ang mga estudyante dahil sa gaganaping APEC meeting sa bansa.
Ayon kay Eleazar Kasilag, presidente ng FAPSA, sa halip na ang araw ng Sabado o Linggo ang gamitin bilang make-up class ang apat na araw na walang pasok ay huwag na lamang magkaroon ng sembreak sa halip ay papasukin na lang ang mga mag-aaral.
Sinabi ni Kasilag, kung ang sembreak sa Oct. 26-30 ang gagamitin ay hindi na mahihirapan pa ang mga estudyante at mga guro para mag-adjust sa sitwasyon.
Aniya, hindi pa tatamaan ang Oktubre 31 All Saints Day at Nobyembre 1 All Souls Day na pawang piyesta opisyal.
Sa tingin ni Kasilag ay hindi masyadong marami ang dumadalo sa klase tuwing Sabado at pati mga guro ay apektado rin dahil kailangan nilang gumawa ng lesson plans, gawaing bahay at bigyan na rin ng pahinga ang mga bata tuwing Sabado.
- Latest