MANILA, Philippines – Ganap nang bagyo ang sama ng panahon sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa state weather bureau ngayong Lunes.
Nilinaw naman ng PAGASA na mababa ang tsansa ng bagyong may international name na “Etau” na pumasok sa PAR habang tinutumbok ang Japan.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,795 kilometro silangan ng hilagang Luzon taglay ang lakas na 55 kilometers per hour (kph).
Gumagalaw si Etau pahilaga hilaga-kanluran sa bilis na 15 kph.
Kung sakaling mag-iba ang paggalaw ng bagyo at pumasok sa PAR, sinabi ng PAGASA na pangangalanan itong “Jenny.”