AFP troops bawal makisawsaw sa pulitika
MANILA, Philippines – Bumoto lang ang tanging papel ng mga sundalo at bawal ang mga itong makisawsaw sa pulitika kaugnay ng nalalapit na May 2016 presidential elections.
Ito ang mahigit na direktiba ni AFP Chief Gen. Hernando Iriberri sa tropa ng militar sa paglilibot nito sa mga kampo ng sandatahang lakas sa bansa.
Hinihikayat ni Iriberri ang AFP troops na 100% na makiisa sa pagboto at huwag iboykot ang eleksyon dahil ito na lamang ang natatangi nilang partisipasyon maliban sa pangangalaga sa seguridad.
Para sa mga sundalong nakatalaga sa mga ‘field units’ o combat mission ay maaari pa rin ang mga itong makaboto sa pamamagitan ng ‘absentee voting’.
Sinumang sundalong mapapatunayang nakikisawsaw sa pulitika tulad ng pagkiling o pangangampanya sa sinumang kandidato ay mahaharap sa kaparusahan.
- Latest