Kasambahay na consultant itinanggi ni Trillanes

Senador Antonio Trillanes IV. Philstar.com/File

‘Kasinungalingan iyan’

MANILA, Philippines – Mariiing itinanggi kahapon ni Senador Antonio Trillanes IV na kabilang sa kanyang mga consultants ang kanyang kasambahay na binabayaran ng pondo ng Senado.

“Pinabubulaanan ko iyan. Hindi po totoo na mayroon tayong mga kasambahay na bi­na­bayaran ng pondo natin sa Senado,” pahayag ni Trillanes sa bagong isyu laban sa kanya.

Binanggit rin niya na ang mga pangalan na sinasabing confidential agents niya ay ginamit niya sa mga imbestigasyon ng Senado laban kay Vice President Jejomar Binay.

“Kaya ang mga pangalan na nabanggit doon ay mga confidential agents na ginagamit ko dito sa on going senate investigation laban kay Vice President Binay,” paliwanag ni Trillanes.

Hindi rin anya totoo na P3,500 lamang ang ipinapasuweldo niya sa kanyang kasambahay na sinasabing ginawang consultant. Naniniwala rin si Trillanes na ang kanyang mga kalaban partikular na si VP Binay ang nasa likod ng mga paninira laban sa kanya.

“Gawa ito ng mga kalaban natin sa pulitika. Pero ito hinaharap natin. Sinasagot natin punto por punto para maliwanag. So bottomline, dito hindi po tayo nagnanakaw ng pondo ng gobyerno at hindi po natin sinasamantala ang ating posisyon dito sa senado…ang kampo ni Vice President Binay ang pinaghihinalaan ko na nasa likod niyan. Pero, sabi ko nga, game tayo diyan,” sabi ni Trillanes.

Show comments