^

Bansa

Bangka nasira: 7 tripulante nailigtas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nailigtas  ang pitong crew  ng M/B Alad Express 1 na may kargang 400  tangke ng liquified petroleum gas (LPG) matapos magkaaberya ang makina dahil sa masamang panahon kahapon ng umaga sa pantalan ng Bansud, Oriental Mindoro.

Natagpuan ng mga mangingisda at nailigtas ang 7 tripulante mula sa paanod-anod na bangka at halos lubog na sa dagat malapit sa  Banton Island sa Romblon.

Nabatid na noong Biyernes ng umaga nang maglayag ang nasabing bangka patungo sa San Agustin, Tablas Island sa Romblon subalit inabot ito ng malakas na alon at hangin kaya pinasok ng tubig ang makina nito at masira.

Naipaabot naman sa Philippine Coast Guard –Romblon Station ang pagkasira ng bangka sa pagitan ng Sibale Island sa Calapan, Mindoro at Corcuera Island sa Romblon subalit hindi kinayang respondehan bunga ng sobrang malakas at malaking alon.

Bumalik ang mga tauhan ng Coast Guard na sakay ng motor boat at inabisuhan na lamang ang mga barkong naglalayag na saklolohan kung sakaling madadaanan.

ANG

B ALAD EXPRESS

BANTON ISLAND

COAST GUARD

CORCUERA ISLAND

MIMAROPA

ORIENTAL MINDORO

PHILIPPINE COAST GUARD

ROMBLON

ROMBLON STATION

SAN AGUSTIN

SIBALE ISLAND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with