Guro wagi ng P63M sa lotto

MANILA, Philippines – Isang guro mula sa Aklan ang solo winner ng P63 milyong jackpot prize sa 6/55 lotto draw noong Agosto 1.

Ayon kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II, kombinasyon ng kaarawan ng tatlong anak at ng misis ang tinayaan ng 51-anyos na guro para sa masungkit ang winning combination na 08-29-16-26-13-21.

Aniya, may 10 taon na siyang tumataya sa lotto at hindi niya akalain na ang taya niyang P100 ay magiging P63 milyon.

Plano nitong magnegosyo, magtabi para sa kinabukasan ng kanyang mga anak at ideposito sa bangko ang iba.

Show comments