^

Bansa

Poe hanggang Oktubre pag-iisipan ang pagtakbo sa 2016

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bukas si Sen. Grace Poe na makausap si Interior and Local Government Secretary Manuel "Mar" Roxas II upang pag-usapan ang pagtakbo sa eleksyon 2016.

Sinabi ni Poe ngayong Miyerkules na nais niyang makausap si Roxas ng personal, ngunit sa ngayon ay pinag-iisipan pa rin niya ang kaniyang mga susunod na hakbang.

"Sapagkat sa personal mas pwede ka maging prangka at hindi mo naman iisipin rin kung ano 'yung maaaring impresyon ng ibang tao dito," pahayag ng senadora.

Aniya hanggang Oktubre ang binigay niya sa kaniyang sarili upang mag-isip at nasa partido na lamang ni Roxas na Liberal Party kung mahihintay nila ito.

"Meron tayo hanggang October. Ayoko naman po na malagay sila sa alanganin dahil ako'y nagdedesisyon pa. Nasa sa kanila naman po 'yung patuloy na paghihintay," dagdag niya.

Iginiit ng senadora na anumang oras ay handa niyang kausapin si Roxas ngunit wala pa aniya siyang natatanggap na paanyiya.

Kaninang umaga ay inimbitahan ni Roxas si Poe na makipagsanib-puwersa sa kanila upang ipagpatuloy ang “Daang Matuwid” ng administrasyong Aquino.

"Bukas ho ang aming partido, bukas po ako at iniimbita ho namin si Senadora Grace Poe na sumama dito sa tandem na ito, sumama dito sa ating movement, sa ating laban ipagpapatuloy, pagpapalawak ng Daang Matuwid," pahayag ni Roxas sa kaniyang panayam sa Unang Balita ng GMA 7.

Samantala, inamin ni Poe na may nakahanda na rin siyang plataporma kung mapagdesisyunan niyang tumakbo sa mas mataas na puwesto.

"'Yung plataporma ng gobyerno, 'yung pangako sa taumbayan kung saka-sakali ay inihanda na rin po namin. At hangga't hindi nakukumpleto 'yon ay hindi ko masasabi sapagkat syempre bawat isa doon ay kailangan kong suriing mabuti kung papaano ko matutupad kung saka-sakali ang mga pangako na 'yon," paliwanag niya.

 

ANG

ANIYA

BUKAS

DAANG MATUWID

GRACE POE

LIBERAL PARTY

QUOT

ROXAS

SENADORA GRACE POE

UNANG BALITA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with