Habagat magpapalakas sa bagyong papasok

MANILA, Philippines – Palalakasin ng habagat  ang bagyong nagbabantang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Huwebes. Sa latest monitoring ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, ang bagyong may international name “Soudelor” ay huling namataan sa layong 2,335 silangan ng Casiguran, Aurora. Sinabi ni Aldzcar Aurelio,weather forecaster ng PAGASA, bagaman magdadala ng mga pag-uulan sa bansa ang bagyo dahil sa habagat  oras na pumasok sa PAR, hindi naman ito babagsak sa lupa dahil sa inaasahang pagbabago nito ng direksiyon. Oras anyang pumasok sa bansa si Soudelor  ay tatawagin itong bagyong Hanna.

Show comments