Jinggoy pinayagang magpa-check-up ng Sandiganbayan

MANILA, Philippines - Pinayagan kahapon ng Sandiganbayan 5th division si Sen. Jinggoy Estrada na makalabas ng kulungan sa PNP Custodial Center sa Kampo Krame upang ipagamot ang matagal ng iniindang sakit sa kanyang braso sa Cardinal Santos Medical Center sa Greenhills, San Juan.

Ang furlough ni Estrada ay mula alas-3 ng hapon Miyerkules Santo, hanggang alas-6 ng gabi (April 1).

Niliwanag naman ng graft court na si Estrada ang sasagot sa lahat ng gastusin nito tulad ng trip expenses at sa mga pulis na magbibigay seguridad dito papuntang ospital at pabalik ng Kampo Krame.

Hindi rin pinayagan ng Sandiganbayan na makipag-usap si Estrada sa media habang nasa check-up.

Si Estrada ay may kasong graft at plunder na may kinalaman sa pork barrel scam. (Angie dela Cruz)

 

Show comments