^

Bansa

50% ng BIFF nalagas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos na maiskoran at mapababa na ng mahigit 50% ang pu­wersa, inihinto na ng Armed Forces of the Philippines (ang all out offensive laban sa mga rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Central Mindanao.

Ito ang buong pagmamalaking inihayag kahapon ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr. kasabay ng pagsasabi sa isang pulong-balitaan na nakubkob rin ng tropa ng gobyerno ang bomb factories ng BIFF at mga kampo ng grupo sa serye ng operasyon sa pinagkukutaan ng mga ito sa Salvo, Pagatin, Mamasapano at Shariff Aguak sa Maguindanao.

Ayon kay Catapang, mula Pebrero 21 ng taong ito nang ilunsad ang all out offensive  at nasa 151 BIFF ang napaslang, 65 ang nasugatan at 12 naman ang nadakip. Sa hanay naman ng mga sundalo ay sampu ang napaslang at mahigit 30 pa ang nasugatan.

Gayunman, aminado si Catapang na nabigong masakote ang wanted na teroristang si Abdul Basit Usman matapos itong makatakas sa SPMX box area.

Si Usman, may patong sa ulong $2M, ay isang bomb expert ng henchman ng Jemaah Islamiyah  (JI) na si Zulkipli bin Hir alyas Marwan na may reward namang $5M at napatay sa Oplan Exodus sa Mamasapano noong Enero 25 na ikinasawi naman ng 44 Special Action Force (SAF) commandos.

Bago inilunsad ang all out offensive ay nasa mahigit 300 ang puwersa ng BIFF na sangkot sa pam­bobomba at ambushcades laban sa mga sundalo at pangha-harass ng mga detachment ng tropang gobyerno.

ABDUL BASIT USMAN

ACIRC

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

CATAPANG

CENTRAL MINDANAO

CHIEF OF STAFF GEN

GREGORIO PIO CATAPANG JR.

JEMAAH ISLAMIYAH

MAMASAPANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with