^

Bansa

Envoy 51 taon kulong

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ng 51 taon si dating Phi­lippine Ambassador to Nigeria Masaranga Umpa matapos mapatunayang nagkasala sa tatlong counts ng Malversation of Public Funds na may kinalaman sa maanomalyang paggamit sa Assistance-To-Nationals (ATN) Stand-by Funds na may kabuuang US$ 80,478.80 o hala­gang P3,749,948.98.

P17 taon ang hatol ng Sandiganbayan sa bawat count ng kaso ni Umpa.

Bukod sa kulong, hindi na rin pinapayagan si Umpa na humawak ng anu­mang posisyon sa gobyerno.

Inutos din ng graft court dito na ibalik sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang natu­rang halaga.

Sa record, noong February 2007, ang Philippine Embassy to Nigeria ay tumanggap ng US$ 95,856.08 para tustusan ang kailangang pondo sa negotiations at repatriation ng 25 Filipino seafarers na na-kidnap sa Port Harcourt at Warri Delta State, Nigeria.

Noong 2008, binuo ng DFA ang Internal Audit Service (IAS) Team para magsagawa ng special audit sa ilang transaksiyon kasama na ang ATN Stand-by Funds. Batay sa pagbusisi mula sa IAS Team, ang mga liquidation documents ay fabricated at ang ilang transaksiyon na pinagkagastusan ni Umpa ay walang dokumento.

Nakita rin ng pro­se­kusyon na ang tunay na nagastos lamang ni Umoa sa ATN Stand by funds ay umaabot sa US$ 15,377.28 at hindi mahigit sa US$ 80,000.

Si Umpa ay nagsilbing Ambassador to Nigeria mula 1996 hanggang 2008 at naging Assemblyman ng Lanao Del Norte.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

INTERNAL AUDIT SERVICE

LANAO DEL NORTE

MALVERSATION OF PUBLIC FUNDS

NIGERIA MASARANGA UMPA

PHILIPPINE EMBASSY

PORT HARCOURT

SANDIGANBAYAN

UMPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with