Trillanes nabigyan ng maling impormasyon – PNP
Trillanes nabigyan ng maling impormasyon – PNP
MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang impormasyong nakuha ni Sen. Antonio Trillanes IV na nalasing ang ilang miyembro ng Special Action Force at mga sundalo sa bisperas ng operasyon sa Mamasapano, Maguindanao.
Sinabi ni Director Benjamin Magalong, pinuno ng PNP-Board of Inquiry at hepe ng Criminal Investigation and Detection Group na maaaring nabigyan ng maling impormasyon ang senador.
"I believe that Senator Trillanes was misinformed. We have already investigated that allegation. There is no truth to it," paliwanag ni Magalong.
Inamin ng BOI head na nagkaroon ng “fellowship” ngunit itinangging may mga dumalong miyembro ng SAF.
"Nagkaroon ng fellowship, but SAF personnel were not involved.”
Samantala, sinabi ni PNP spokesperson Chief Superintendent Generoso Cerbo na handa nilang imbestigahan ang impormasyong nakuha ni Trillanes.
"Handa kaming magpaimbestiga para malinawan itong isyu na ito," wika ni Cerbo sa kanyang panayam sa dzMM.
Target ng operasyon ang pagtugis kay Malaysian terrorist Zulkifli bin Hir alyas Marwan at Basit Usman.
- Latest