^

Bansa

44 kalapati ‘minasaker’ sa NAIA

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagmistulang ‘Mamasapano massacre’ diumano ang ginawa ng mga tauhan ng Veterinary Quarantine Service sa isang bodega sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), matapos nilang patayin ang may 44 racing Homer pigeons sa pamamagitan ng pagbuga sa mga ito ng carbon dio­xide habang nasa loob nang tatlong kaing ang mga pa­ngarerang kalapati.

Dumating ang mga Homer racing pigeon noong March 7 sakay ng Qatar Airways flight galing sa bansang The Ne­therland at noong nakalipas na Sabado habang nasa Miascor warehouse ang mga ito ay nagdesisyon ang mga taga-VQS na patayin sila dahil sa pangambang may dala itong ‘avian flu’ virus dahil ang pinanggalingan nitong bansa ay isa sa European country na may record na grabe ang avian flu outbreak.

Ayon sa ulat, ang mga ibong kabilang ang mga kalapati at iba pang poultry pro­ducts ay pansamanatalang pinagbabawal ng National Avian Influenza Protection Program (NAIPP) na makapasok sa Pilipinas kabilang na ang The Netherlands dahil kabilang ito sa naapektuhan ng Avian Flu.

Napag-alaman, sa VQS, ang mga kalapati at walang kaukulang phyto-sanitary clearance mula sa Bureau of Animal Industry (BAI). Ayon sa mga dalubhasa kailangan itong kumpiskahin sa lalong madaling panahon at agad patayin sa pagsunod sa kautusan ng NAIPP.

Kamakailan, ay itinaas ng Bureau of Animal Industry at ng Department of Agriculture ang alert level sa  H5N1 papuntang H7N9, dahil nakakahawa na ang sakit sa  mga tao.

Samantala, hindi nagbibigay ng import permits ang VQS at Bureau of Customs (BOC) sa mga manok at ibon mula sa mga bansa ng The Netherlands at South Africa bilang pag-iingat.

AVIAN FLU

AYON

BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY

BUREAU OF CUSTOMS

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

NATIONAL AVIAN INFLUENZA PROTECTION PROGRAM

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

QATAR AIRWAYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with