^

Bansa

P5.3M ayuda ng Kamara sa SAF troopers naibigay na sa PNP

Butch Quejada, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Personal na iniabot ni House Speaker Feliciano Belmonte sa mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang P5.3 mil­yong donasyon ng Ka­mara para sa Special Action­ Force (SAF) troopers­ na nasawi, nasu­gatan at nakaligtas sa eng­kwentro sa Mamasapano.

Sa nasabing halaga, P4.889 milyon ang mula sa mga kongresista na nag-ambag ng tig-P10,000 pataas.

Bahagi rin ng pinan­syal na ayuda ang P100,000 mula sa Partylist Coalition Foundation, P225,000 mula sa mga kawani ng Secretariat ng Kamara, P20,100 mula sa contractual employees at P65,100 mula sa mga staff ng mga mambabatas.

Sabi ni Belmonte, nag­laan sila ng tig-P100,000 para sa pamilya ng 44 nasawing SAF commandos, tig-P40,000 para sa 15 troopers na nasugatan at tig-P20,000 para sa 15 pang nakaligtas sa ope­rasyon.

BAHAGI

BELMONTE

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

KAMARA

MAMASAPANO

PARTYLIST COALITION FOUNDATION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SABI

SHY

SPECIAL ACTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with