Solons kay PNoy BOI report aksyunan ‘wag siraan
MANILA, Philippines – Hinikayat si Pangulong Aquino ng mga kaalyado nito sa Kamara na aksyunan na lamang ang mga rekomendasyon ng Board of Inquiry (BOI) sa halip na siraan ang report nito.
Giit ng Akbayan Partylist, kailangang maging ehemplo ang Pangulo at ipakita sa publiko na desidido ito na may pananagutin sa Mamasapano encounter at hindi isasakripisyo ang prosesong pangkapayapaan.
Dapat ding magtalaga na ang Pangulo ng bagong PNP chief na may moral standing para pamunuan ang pulisya sa gitna ng krisis para maibalik ang kumpiyansa ng publiko sa institusyon.
Dapat din umanong ituloy ang reporma sa security sector ng gobyerno para hindi na magsakripisyo ng buhay ng mga pulis o sundalo dahil sa mga labis na proseso bago mabuo ang isang desisyon at dahil sa mga dispalinghadong plano at kagamitan.
Kailangan din umanong pagbayarin ng gobyerno ang MILF at iba pang armadong grupo na sangkot sa malagim na engkwentro sa Mamasapano.
- Latest