MANILA, Philippines - Dahil birthday niya ngayong March 15, may mahigit 600 health kits na naglalaman ng iba’t ibang gamit pangkalusugan ang naipamahagi ni QC Vice Mayor Joy Belmonte sa mga barangay at community health workers sa 143 barangays sa lunsod sa ilalim ng Joy of Public Service Project sa lunsod.
Nagkaloob din si Belmonte ng pneumonia shots sa may mahigit 400 elderly sa lunsod at mahigit 400 eyeglasses.
Bago ang pamamahagi ng ayuda ay inatasan muna ni Belmonte ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng isang health summit sa district 1 hanggang district 5 upang malaman ang pangangailangan ng mga taga lunsod.
Ang bawat kit na nakatoka sa mga barangay health centers ay naglalaman ng blood pressure apparatus, kapote, thermometer, gloves, tongue depressor at iba pa.
Sa March 19 naman ay mamamahagi si Belmonte ng mahigit 200 eyeglasses sa mag-aaral ng San Bartolome High School sa QC na napag-alaman niyang maraming estudyante dito ay may problema sa kanilang mga mata at papsmear naman ang libreng handog sa mga ina ng tahanan sa QC hall. (Angie dela Cruz)