Junjun Binay suspendido ng 6 buwan
MANILA, Philippines — Anim na buwang suspensyon ang ipinataw ng Office of the Ombudsman kay Makati City Mayor Jejomar Erwin Binay Jr. kaugnay ng umano'y overpriced na Makati City Hall II.
Sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na ang preventive suspension kay Binay ay magbibigay daan sa kanilang imbestigasyon.
Bukod kay Binay, suspendido rin ang iba pang umano'y may kinalaman sa kasong malversation, falsification at violation ng Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Government Procurement Reform Act.
Nitong Biyernes lamang ay kinasuhan ng Ombudsman ang alkalde, ilang opisyal ng pamahalaang lokal ng lungsod at ang noo'y alkalde na ngayo'y Bise Presidente Jejomar Binay dahil sa paggawad ng P11.97-milyong kontrata kahit walang isinagawang public bidding.
"The complaint was filed following months of case build-up and evidence gathering by the Special Panel composed of field investigators," pahayag ni Morales.
- Latest