Sinisi sa Mamasapano Napeñas pasaway – PNoy

Getulio Napeñas. STAR/File photo

MANILA, Philippines - Sinisi ni Pangulong Benigno Aquino III ang sinibak na SAF Director Getulio Napeñas sa Mamasapano incident na ikinasawi ng 44 members ng Special Action Force (SAF) noong Enero 25 sa Mamasapano, Maguin­danao.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa question and answer pagkatapos ng Prayer Gathering sa Malacañang sa pangu­nguna ng Jesus Is Lord (JIL) ni Bro. Eddie Villanueva at Church of God International ni Bro. Daniel Razon, hindi sinunod ni Director Napeñas ang kanilang napag-usapan kasama ang resigned PNP chief Alan Purisima para sa Oplan Exodus.

Ayon kay Pangulong Aquino, inatasan niya si Napeñas na dapat ay magkaroon ito ng koordinasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa kanilang Oplan Exodus na ang layunin ay hulihin si Marwan at Basit Usman.

Binigyan din daw ang Pangulo ng mga maling impormasyon nang isa­gawa na nila ang Oplan Exodus sa pag-aakalang may koordinasyon na sila sa AFP upang bigyan sila ng reinforcement sa kainitan ng labanan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Natuklasan pa ng Pa­ngulo, may sariling pagpapasyang ginawa si Na­peñas sa pagpapatupad ng Oplan Exodus na taliwas sa ibinigay na plano nito ng makipag-usap sa chief executive noong Enero 9 sa Malacañang.

Samantala, pinuri naman ni PNoy si Bro. Eddie Villanueva sa ginanap na Prayer Gathering dahil sa ipinakita nitong pagiging maginoo matapos niyang talunin sa 2010 presidential polls ay mas pinili nitong tumulong sa gobyerno para sa ikabubuti ng bansa.

 

Show comments