^

Bansa

National ID system lusot sa House committee

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lusot na sa committee level ng Kamara ang panukala para sa National ID system matapos ang mahabang panahong pagkakabinbin at sa kabila ng pagtutol dito ng ilang sektor.

Sa House bill 5060 o Filipino Identification system, lahat ng government issued ID ng bawat Filipino ay pag-iisahin na lamang sa iisang identification card na magagamit sa lahat ng transaksyon ng gobyerno.

Nakasaad dito na ang mga Pinoy na nasa bansa ay kailangang mag-apply para sa registration at issuance ng Filipino ID card sa kanilang local civil registrar samantalang ang mga nasa abroad ay mag-a-apply sa pinakamalapit na embahada o konsulada ng bansa.

Ang mga bagong panganak naman ay ang Philippine statistics authority ang mag-iisyu ng Filipino ID card sa loob ng 90 araw mula sa pagkakarehistro ng kapanganakan.

Maaari lamamg palitan ang ID card kung ang isang bata ay umabot na sa legal age na 18, kung nagbago ang pangalan o apelyido base sa court order o kung nawala ang orihinal na ID card.

Obligado namang i-renew ang ID card kung ang may-ari nito ay umabot na sa edad 60 o senior citizen na.

Sinumang magbibigay ng maling impormasyon sa aplikasyon para sa Filipino ID card ay magmumulta ng hanggang kalahating milyong piso o makukulong ng hanggang dalawang taon.

CARD

FILIPINO IDENTIFICATION

KAMARA

LUSOT

MAAARI

NAKASAAD

OBLIGADO

PINOY

SA HOUSE

SINUMANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with