MANILA, Philippines – Nilinaw kahapon ng Malacañang na tanging sa mga paaralan sa buong bansa lamang walang pasok sa darating na Pebrero 25.
Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, mayroong pasok sa lahat ng pribado at pampublikong tanggapan sa darating na Peb. 25 dahil isang regular working day ito.
“Isa lang paglilinaw hinggil sa kung holiday ba o hindi ‘yung February 25. Batay sa Proclamation No. 831 na inilabas noon pang Hulyo 2014, ang darating na ika-25 ng Pebrero ay may pasok para sa lahat. Ang holiday o walang pasok ay para lamang sa lahat ng mga mag-aaral o estudyante. So ‘yon po ang paglilinaw natin, ‘yon po ay school holiday lang po, hindi apektado ang trabaho sa February 25. Regular working day po ‘yon,” wika ni Coloma sa Radyo ng Bayan kahapon.
Ginawa ng Palasyo ang paglilinaw dahil sa pag-aakala ng ilang Filipino na isang special non-working day ang Feb. 25 dahil sa pagdiriwang ng EDSA People Power 1 anniversary.