MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon si Pasay City Vice Mayor Marlon Pesebre na walang sinumang maaaring gumamit ng kaniyang pangalan sa anumang illegal o maanomalyang transaksyon.
Binigyang-diin ni Pesebre na wala siyang binibigay na pahintulot kaninuman na banggitin ang kaniyang pangalan kalinman para sa anumang tansaksyon o negosasyon. “Ang babalang ito ay para sa loob at labas ng Pasay City Hall.
“Nakikiusap po ako sa aming mga residente na huwag paniwalaan at agad na ipagbigay sa aking tanggapan o sa sinumang alagad ng batas anumang oras ang sinumang magsasabing ako ang nasa likod ng anumang transaksyon na kaniyang inilalapit. “Bukod po sa agad kong ipapahuli at ipakukulong ang taong iyon, asahan po ng lahat na agad ko ring sasamahan ng kasong criminal,” ayon kay Pesebre.
Inilabas ni Pesebre ang babala matapos maiulat sa mga pahayagan na may malaking grupong nagbabalak gumamit ng mga drug pusher para sirain ang mga lokal na opisyal o mga nagbabalak kumandidato sa halalan sa 2016. Ayon sa mga ulat, plano ng grupo na kinabibilangan ng isang kilalang malapit sa mga maimpluwensiyang opisyal ng lungsod, na takutin ang mga pusher upang iturong protector o financier ang mga taong nais nilang sirain“Bukas ang aking tanggapan para sa lahat na nais magtanong o magberipika ng anumang impormasyon.