^

Bansa

LPA nagbabantang pumasok sa PAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang low pressure area (LPA) ang namataan kahapon ng PAGASA at posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa darating na Linggo.

Ayon kay Samuel Duran, weather forecaster, malaki umano ang tsansa na maging ganap na bagyo ang naturang LPA sa mga susunod na araw.

Kung magiging bagyo, ito ay tatawaging “Betty” at magiging ika-2 bagyo na papasok sa bansa ngayong 2015.

Kahapon, patuloy naman ang pag-iral ng hanging amihan sa Luzon kasama na ang Metro Manila at tail-end ng cold front sa Visayas, Mindanao area kung saan ang mga lugar na ito ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may minsang pag-ulan.

AREA

AYON

ISANG

KAHAPON

LINGGO

LUZON

METRO MANILA

MINDANAO

SAMUEL DURAN

VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with