De Lima kay Mancao: Magsabi ka ng katotohanan
MANILA, Philippines – Kung totoong lulutang na ang puganteng si Cezar Mancao na tumakas sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI), sa pagkakataong ito ay dapat nang magsabi ng buong katotohanan na tutuldok sa likod ng misteryo ng Dacer-Corbito murder case, ayon kay Justice Secretary Leila de Lima.
“My initial thoughts on that - I hope that if Mancao does in fact resurface, he comes clean this time. He must tell us the plain and naked truth about that still unresolved mystery which is the Dacer-Corbito murder case,” ani de Lima sa kaniyang text message sa media.
Kung gagawin umano ito ni Mancao ay mababawi na niya ang nawala niyang kredibilidad dahil marami na umano itong statements na magkakataliwas.
Dagdag pa ni de Lima, sa pagharap niya sa pagdinig sa korte, doon niya dapat patunayan ang mga sinasabi niyang inosente sa krimen at kung sino naman ang talagang may kinalaman.
Kinumpirma rin ng kalihim na matuloy man o hindi ang pagsuko ni Mancao, patuloy ang NBI sa paghanting sa kaniya dahil isa umanong pugante si Mancao.
Mayo 2013, ala-1:00 ng madaling araw nang makapuga si Mancao mula sa NBI.
Humingi pa ng paumanhin sa text kay de Lima si Mancao sa kaniyang pagtakas dahil sa takot sa kaniyang buhay sa oras na maipalipat na siya sa Manila City Jail.
- Latest