Libreng pabahay ng NHA sa Fallen 44

MANILA, Philippines - Bilang pagpupugay sa kabayanihan ng 44 na nasawing SAF commandos ng Philippine National Police (PNP) sa Mamasapano massacre, pagkakalooban ang mga naulila ng mga ito ng libreng pabahay ng National Housing Authority (NHA).

Ayon kay NHA general manager Chito Cruz, nagpalabas na siya ng direktiba sa kanilang mga regional directors na alamin kung sa papaanong paraan maipatutupad ang nabanggit na proyekto

Anya, kasama si Pangulong Aquino ay kinausap na nila isa-isa ang bawat pamilya para sa pagbibigay ng libreng pabahay sa ilalim ng Killed- in-Action program for PNP at AFP.

Binigyang diin ni Cruz na kung sakaling may lupa na ang pamilya ng mga napaslang na SAF members  at nais doon ipatayo ang estruktura, maging ang renovation sa mayroon ng mga bahay ay libre nila itong gagawin saan mang panig ng bansa.

Show comments