^

Bansa

DOJ wala pang hawak na pangalan ng mga kakasuhan sa Mamasapano clash

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Justice Secretary Leila de Lima ang lumabas na ulat na tukoy na nila ang mga kakasuhan sa madugong engkwentro sa Mamasapano na ikinasawi ng 44 miyembro ng Special Action  Force (SAF).

Ayon kay de Lima, wala pa silang hawak na mga pangalan ng mga nakasagupa at posibleng res­ponsable sa pagkamatay ng Fallen 44 dahil patuloy ang isinasagawang im­bestigasyon ng Board of Inquiry (BOI).

Ang tanging kinumpirma niya ay ang kautusan ni Pangulong Aquino na bumuo ang DOJ ng grupong magsasagawa ng case build-up. Katuwang anya ng DOJ rito ang National Bureau of Investigation (NBI).

Hiwalay aniya ang pa­ngangalap ng ebidensiya at report ng kanilang mga state prosecutor mula sa DOJ National Prosecution Service (NPS) at mga im­bestigador din mula sa NBI.

Bagama’t nakatuon ang imbestigasyon ng BOI sa police operational procedures, binanggit ng kalihim na lalabas dito ang administrative at criminal charges, at nakatutok sila sa huli.

Kabilang sa mga kasong posibleng isampa sa mga lalabas na sangkot sa madugong engkwentro ang homicide, murder, serious physical injuries, direct assault at paglabag sa international humanitarian law.

AYON

BOARD OF INQUIRY

JUSTICE SECRETARY LEILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL PROSECUTION SERVICE

PANGULONG AQUINO

SPECIAL ACTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with