10-year solid waste management plan ng Bacoor aprubado ng NSWMC
MANILA, Philippines – Inaprubahan ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) ang 10-year plan ni Bacoor City Mayor Strike Revilla para sa kanilang solid waste ma-nagement ng lungsod.
Sinabi ni Mayor Revilla, malaking tulong para sa lungsod ang inaprubahang 10-year solid wastemanagement plan upang malutas ang problema sa basura.
Wika pa ni Mayor Strike, ang Bacoor City ang kauna-unahang mayroong solid waste managementplan na inaprubahan ng (NSWMC).
“Ngayong mayroon na tayong 10-year solid waste management plan ay ina-asahan ko din ang pakikiisa at pakikipagtulungan ng mamamayan upang maresolba ang problema sa basura ng lungsod,” paliwanag pa ni Mayor Revilla.
Inaprubahan ng NSWMC ang 10-year solid waste management plan ng Bacoor City noong nakaraang Disyembre 10, 2014.
- Latest