^

Bansa

Sa nasawing 44 SAF mag-aaral sa Pasay, nakiramay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagsagawa kahapon ng 44-segundong katahimikan ang mga estudyante ng Pasay City West High School bilang pakikiramay sa pagmakatay ng 44  miyembro ng PNP-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong naka­raang Linggo.

Ito ay bilang tugon ng pamunuan ng Pasay City West High School hinggil sa panawagan ng Department of Education (DepEd) sa lahat ng paaralan sa bansa.

Nabatid, na alas-6:30 kahapon ng umaga nang magsagawa ng 44-segundong pananahimik ang mga estudyante, guro at kawani ng naturang  paaralan pagkatapos ng kanilang flag ceremony.

Ang naturang hakbangin ay bilang pakikiramay at pakikisimpatiya sa mga pulis na nasawi sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 ng ng taong kasalukuyan.

Bukod dito ay hiniling din nila sa pamahalaan na magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ng 44 pulis, na dapat aniya ay may managot sa insidente.

BUKOD

DEPARTMENT OF EDUCATION

ENERO

LINGGO

MAGUINDANAO

MAMASAPANO

PASAY CITY WEST HIGH SCHOOL

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with