MANILA, Philippines - Dahil umano kontaminado at mayroong delikadong bacteria, pinapa-recall ng Department of Trade and Industry (DTI) sa merkado ang dalawang klase ng mansanas.
Babala ng ahensiya na hindi ligtas kainin ng publiko ang Granny Smith at Galas apples dahil sa taglay umano nitong delikadong bacteria tulad ng Listeria, isang uri ng bacteria na pinagmumulan ng food poisoning, ayon na rin sa Food and Drugs Administration (FDA).
Bukod dito, kapag inilagay umano sa refrigerator ang naturang prutas ay maaaring mahawa ng bacteria ang iba pang pagkain.
Ilan umano sa sakit na maaaring idulot nito ay meningitis, meningoencephalitis, brain abscess at kanser.