Binay aatras sa 2016 polls – Trillanes

MANILA, Philippines – Naniniwala si Senador Antonio Trillanes IV na aatras si Bise Presidente Jejomar Binay sa pagtakbo bilang pangulo sa 2016.

Sinabi ni Trillanes na sa pagpatuloy na pagbagsak ng ratings ni Binay ay maaisip niya na umatras na lamang, bukod pa sa mga kinakaharap na kaso sa Sandiganbayan.

"I think by the middle of the year, he would feel that it's going to be a lost cause. So instead of spending his billions, he'd rather keep it and just strike a concession with a leading candidate," wika ni Trillanes sa ABS-CBN News Channel.

Dagdag niya na may ugali si Binay ang umatras, kabilang ang pag-atras sa kanilang debate sana noong Nobyembre at ang umano'y dapat pagbilang sa 2007 Manila Peninsula siege.

"It's part of his character, he would appear brave at some point, then during crunch time, he buckles," ani ng Senador.

Samantala, pinabulaanan ng tagapagsalita ni Binay ang mga pahayag ni Trillanes.

"Sen. Trillanes is entitled to his opinion. That is far from the horizon (Binay not running for president)," banggit ni Rico Quicho.

Pinaulanan ng paratang ni Trillanes at ni dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado ang pamilya ni Binay dahil sa umano'y pangungurakot sa lungsod ng Makati.

Isa sa pinakabagong pasabog nina Trillanes at Mercado ang pamumulsa ng pera ni Binay sa Boy Scouts of the Philippines na umano'y umabot sa P200 milyon.
 

Show comments