MANILA, Philippines – Iniklian ang pagbisita ni Pope Francis matapos mag-advise ang piloto na ala-una kailangan na nilang umalis sa Tacloban dahil sa sama ng panahon.
“I apologize to you all, I’m saddened, truly saddened because I had something prepared especially for you. But let us leave everything in the hands of our Lady because I have to go now. Do you know the problem is? The airplane can’t land here,” ayon sa Santo Papa mula sa kanyang translator.
Nakapag-motorcade pa ang Santo Papa sa Palo at nakarating sa Palo Cathedral.
Dinaanan din ng Santo Papa ang mass grave ng mga Yolanda victims na malapit sa cathedral.
Umalis ng ala-1:04 ng hapon ang Santo Papa sa Leyte at ligtas na nakarating sa Manila ng alas-2:14 ng hapon sakay ng PAL flight 0810 sa Villamor Air Base at nakauwi sa Apostolic Nunciature alas 2:39 ng hapon.
Ngayong Linggo, nakatakdang makasama ni Pope Francis ang mga kabataan sa University of Sto. Tomas (UST), makipagpulong sa religious leaders at magdaos ng final mass niya sa Quirino Grandstand sa Luneta.