^

Bansa

Babae kalaboso sa bomb joke sa mall

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagsak kalaboso ang isang 27-anyos na Pinay matapos itong mag-bomb joke sa laman ng bag ng kaniyang American boyfriend habang papasok sa isang shopping mall sa Davao City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Chief Insp. Rolando Tarongoy, Deputy Station Commander ng Sta. Ana Police Precint ng Davao City Police ang nasabing babae na si Melanie Laoson.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Tarongoy, dakong alas-4:45 ng hapon habang papasok sa Abreeza mall si Laoson kasama ang nobyo nitong si James Webb, 55.

Ayon kay Tarongoy, tinanong umano ng guwardiya kung ano ang laman ng bag ni Webb habang kahawak-kamay nito si Laoson pero sinagot naman ito ng babae na “bomba”.

Dito na hinuli ang nasabing babae at dinala  sa presinto kung saan ito ikinulong na binantayan naman ng kaniyang American boyfriend.

Nalungkot naman ang dalawa dahil sa halip na masayang pagsa-shopping ay sa kalaboso humantong ang nasabing babae dahil sa bomb joke.

Sinabi ni Tarongoy na naisampa na ang kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 Anti Bomb Scare Joke Law laban kay Laoson sa piskalya ng lungsod ng Davao. 

Ayon pa sa opisyal ay pipiyansahan na ng Amerikano ang kaniyang nobyang Pinay.

vuukle comment

ANA POLICE PRECINT

ANTI BOMB SCARE JOKE LAW

AYON

CHIEF INSP

DAVAO CITY

DAVAO CITY POLICE

DEPUTY STATION COMMANDER

JAMES WEBB

LAOSON

TARONGOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with