^

Bansa

Sa pag-pullout ng “No Race, No Religion T-shirt” Papal Visit 2015 Central Committee nagpasalamat

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpasalamat ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Social Communications and Mass Media at Papal Visit 2015 Central Committee sa ginawang pag-pull out ng ABS-CBN sa kanilang papal visit souvenir items na “No Race, No Religion T-shirt” na lumikha ng kaguluhan sa social media.

Kaugnay nito, umaasa si CBCP-Episcopal Commission on Social Communication and Mass Media executive secretary Father Lito Jopson na itaguyod ng bawat isa ang tema ng papal visit na pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa sa paglalabas at pagbibenta ng mga collectors at souvenir items.

Inihayag ni Father Jopson na “Mercy and Compassion” ang tema ng Papal Visit 2015 na siyang dapat maging sa pagpapalabas ng collectible at souvenir items.

Ipinaala-ala naman ni CBCP-Episcopal Commission on Social Communication and Mass Media chairman Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara sa lahat na tiya­king magamit sa tamang pamamaraan ang pagpahayag ng mabuting balita sa pamamagitan ng mga logo at larawan o mga Pope Francis memorabilias.

vuukle comment

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES EPISCOPAL COMMISSION

CENTRAL COMMITTEE

EPISCOPAL COMMISSION

FATHER JOPSON

FATHER LITO JOPSON

MERCY AND COMPASSION

NO RACE

NO RELIGION T

PAPAL VISIT

PASIG BISHOP MYLO HUBERT VERGARA

SOCIAL COMMUNICATION AND MASS MEDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with