2 trak ng Army nakaligtas sa ambush

MANILA, Philippines - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang tropa ng Army Scout Rangers Company matapos tambangan ng mga  bagong recruit ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa Barangay Bungkaong, bayan ng Jolo, Sulu kahapon ng umaga.

Ayon kay Col. Alan Arrojado, commander ng Joint Task Group (JTG) Sulu, bumabagtas ang dalawang Army trucks na sakay ang isang platoon ng mga sundalo mula sa Brgy. Danag patungong kapitolyo ng Jolo nang tambangan ng mga bandido.

Gayon pa man, walang tinamaang mga sundalo kung saan mabilis na nakapagmaniobra at nagkaroon ng maikling palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng may 10-minuto.

Pinaniniwalaang wala pang gaanong kasanayan sa bakbakan ang mga bagitong kabataan na mga bagong recruit ng mga bandido na nakasagupa ng tropa ng mga sundalo.

 

Show comments