Pamilya, 4 sugatan sa grenade blast

NUEVA ECIJA, Philippines – Apat na miyembro ng pamilya ang nasugatan makaraang sumabog ang granada na inihagis sa bubong ng kanilang bahay sa Barangay Luna, bayan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija noong Lunes ng madaling-araw.

Kabilang sa mga nasugatan ay sina Rowena Carpio, 41; Baby Ruth Carpio, 14; Jericho Carpio, 12; at si Ruby Jane Carpio, 9.

Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-2:50 ng madaling-araw nang hagisan ng granada ng motorcycle-riding men ang bahay na pag-aari ni Chief tanod Norberto Carpio na nasa kahabaan ng Maharlika Highway sa nasabing barangay.

Pinaniniwalaan ng pulisya na naghahasik lamang ng takot sa pamilya Carpio ang mga suspek kung saan nasugatan naman ang misis ni Norberto at tatlong anak habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments