PNoy pinangunahan ang paggunita sa 118th Rizal Day

Malacañang photo.

MANILA, Philippines – Nanguna si Pangulong Benigno Aquino III sa paggunita sa ika-118 anibersaryo ng kamatayan ni Jose Rizal sa lungsod ng Maynila ngayong Martes.

Kasama ni Aquino si Bise Presidente Jejomar Binay at dating Pangulo at ngayo'y Manila Mayor Joseph Estrada sa pagtataas ng bandila at pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Rizal sa Luneta o mas kilala ngayon sa tawag na Rizal Park.

Dumalo rin  si Armed Forces chief Gregorio Catapang, National Historical Commission chair Ma. Sereno Diokno.

 

 

Binati naman ng Pangulo ang descendants ni Rizal.

Show comments