^

Bansa

Kubol, concert ng 1 convict sa NBP hindi sinita De Lima ipadidisbar- Topacio

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa patuloy na maling ginagawa, handa naman ang mga  abogado ng mga  drug convicts na ipadisbar si Justice Secretary Leila de Lima.

Sa ginanap na press conference sa pangu­nguna ni Atty. Ferdinand Topacio, sinabi nito na hihilingin nila sa Integra­ted Bar of the Philippines na alisan ng lisensiya si De Lima dahil na rin sa pang-aabuso nito sa kanyang kapangyarihan.

Hindi umano ito na­ging patas nang hindi nito pasukin ang kubol at hindi kinuwestiyon ang pagko-concert ng isa pang convicted na si  JB Sebastian.

Matatandaan na si­na­lakay ng pinagsanib na puwersa ng DOJ, National Bureau of Investigation at Philippine Drug Enforcement Agency  ang New Bilibid Prison noong Disyembre 15 kung saan nadiskubre ang mga mamahaling  kagamitan at pera gayundin ang  shabu  mula sa 19 na convicts.

Sinabi naman ni  Atty. Andres Manuel isa sa mga abogado ng convicted na si  Amin Imam Boratong, hindi na tama ang pagbabawal ni De Lima na makita ang  kanilang kliyente sa NBI. Paglabag  umano ito  sa karapatan ng mga preso.

Ito rin aniya ang dahilan ng kanilang pagsasampa ng petition for habeas corpus at data gayun din ang writ of  amparo sa Korte Suprema.

Sinabi ni Topacio na may natatanggap na silang mga report na dumaranas ng pana­nakit at pagmamaltrato ang kanilang mga kli­yente kaya’t nais nilang makita upang mapatunayan kung totoo ang alegasyon.

Tinawag din ni  To­pacio si De Lima na “may sira sa ulo dahil sa ma­ling ginagawa nito”. 

AMIN IMAM BORATONG

ANDRES MANUEL

BAR OF THE PHILIPPINES

DE LIMA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FERDINAND TOPACIO

JUSTICE SECRETARY LEILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with