^

Bansa

38 bagong local offices ng SSS, nabuksan ngayong 2014

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakapagbukas ang  Social Security System (SSS) ng  38 mga bagong opisina sa iba’t ibang panig ng bansa ngayong taong 2014.

 “Bringing SSS closer to over 31 million members is among our top priorities hence establishing more offices across the country is one of our primary thrusts to better­ serve their needs.  We also hope that this in­creased access and vi­si­bility will also en­courage more people to join SSS,”  pahayag ni  President at Chief Executive Officer Emilio De Quiros Jr.

Idinagdag pa nito na sa bagong 38 SSS offices nationwide, 25 dito ay full-service branches, habang ang  13 ay mga  service offices na nailagay sa mga malls.

Sinabi ni De Quiros na sa  NCR, 14 na bagong branches ang nailagay at tatlong service offices, sa  Luzon may anim na bagong branches at apat na  ser­vice offices, sa Visayas  ay may bagong tatlong  branches at tatlong service offices at sa Mindanao ay may bagong dalawang branches at tatlong service offices.

 Bago matapos ang taong 2014, ang SSS ay may 264 na opisina sa buong Pilipinas na mata­tagpuan sa NCR (61); Luzon (119); Visayas (41), at Mindanao (43).

Mayroon din anyang piling  SSS branches ang nakabukas tuwing araw ng Sabado ito ay sa  Diliman­-QC, Makati-Ayala­, at Makati-Gil Puyat sa NCR; Cebu, Lapu-lapu, Bacolod at Iloilo sa  Visayas; at Cagayan de Oro, Davao at Zamboanga sa Min­danao.

 

CHIEF EXECUTIVE OFFICER EMILIO DE QUIROS JR.

DE QUIROS

LUZON

MAKATI-GIL PUYAT

MINDANAO

OFFICES

SHY

SOCIAL SECURITY SYSTEM

VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with