'Ruby' victims sa evacuation centers magpa-Pasko

File photo.

MANILA, Philippines – Aabot sa 100,000 biktima ng bagyong “Ruby” sa Eastern Visayas ang magpa-Pasko sa evacuation centers, ayon sa state disaster response agency.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa mga pampbulikong paaralan at mga tent ang karamihan ng residente ng Western at Eastern Samar.

Bukod dito ay wala pang kuryente sa ilang bahagi ng Western Samar, Northern Samar and Eastern Samar.

Tinatayang 36,641 kabahayan ang nasira sa Region VIII, base sa datos ng Regional DRRMC.

Nasa 15 katao ang naitalang nasawi, karamihan ay mga nalunod, habang 885 ang sugatan.
 

Show comments