^

Bansa

Pasko maulan sa MM, probinsiya

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magiging maulan ang selebrasyon ng kapaskuhan sa Metro Manila at karatig lugar sa bansa ngayong araw ng Pasko laluna sa gabi.

Ito ayon kay Jun Galang, weather forecaster ng Pagasa ay dulot ng epekto ng nalulusaw na tail-end of a cold front at epekto ng hanging amihan.

Kahapon ng umaga, ang nalulusaw na tail-end of a cold front ay nakakaapekto sa Southern Luzon habang ang hanging amihan ay nakakaapekto sa Northern at Central Luzon kayat dumaranas ng pag-uulan ang mga lugar na ito ngayong Pasko.

Anya, maulap naman na may pag-uulan ang Calabarzon gayundin sa Bicol, Eastern Visayas, Davao, Soccsksargen at ang Mindoro, Romblon at Marinduque gayundin sa Cagayan Valley, Cordillera, Central Luzon at Ilocos dahil sa naturang weather disturbances.

Kaugnay nito, isa namang sama ng panahon ang nagbabantang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR).

Kahapon ito ay namataan ng Pagasa sa may dagat pasipiko na magdudulot din ng mga pag-uulan sa bansa oras na pumasok sa PAR.

Ayon kay Galang, bagamat maliit ang tsansa na ito ay maging ganap na bagyo, partikular nitong maaapektuhan ang Eastern Mindanao sa Sabado, December 27 kaya pinag-iingat ang mga residente doon.

CAGAYAN VALLEY

CENTRAL LUZON

EASTERN MINDANAO

EASTERN VISAYAS

JUN GALANG

KAHAPON

METRO MANILA

PAGASA

PASKO

SOUTHERN LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with