MANILA, Philippines - Kinasuhan ng graft ng Ombudsman si dating Marinduque congressman Edmundo Reyes at mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) sa Sandiganbayan matapos makakita ng probable cause kaugnay ng fertilizer fund scam.
Kasama ni Reyes na kinasuhan sina DA officials Dennis Araullo, Raymundo Braganza, Balagtas Torres, Rodolfo Guieb, Lucille Odejar, Dory Iranzo, at Margie Tajon Luz, president at chairman of the Board of Trustees ng non-government organization na Gabaymasa Foundation, Inc.
Taong 2004, nagpalabas ng P728 milyong fertilizer fund ang Budget department sa Marinduque bilang isa sa mga kinilalang benepisyaryo ng programa.
Pero noong March 10, 2004, pumasok sa kasunduan ang DA Regional Field Unit IV sa pamamagitan ni Araullo at Reyes at ng isang Luz ng Gabaymasa bilang project implementor para sa pagbili ng mga abono na may halagang P5 milyon sa B.T. Mangrubang bilang supplier nito.
Ayon kay Ombudsman Morales nilabag nina Reyes ang Commission on Audit Circular no. 96-003 dahil pinili lamang ng mga ito ang Gabaymasa bilang project implementor ng proyekto na hindi dumaan sa tamang proseso ng accreditation, verification at validation ng isang NGO.
Napatunayan din na ang Gabaymasa ay hindi nakabase sa Marinduque kundi sa QC at walang track record sa sektor ng agrikultura.
Guilty naman sa kasong Serious Dishonesty, Grave Misconduct and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service sina Araullo, Braganza, Torres, Guieb, Odejar at Iranzo sa kayat dinismis sa serbisyo at walang makukuhang retirement benefits bukod sa hindi na sila papayagang makapagtrabaho sa alinmang tanggapan ng gobyerno.