^

Bansa

E-power ni PNoy aprub na!

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaprubahan na ng Kamara ang House Joint Resolution 21 na nagbibigay ng 5 buwang emergency power kay Pangulong Aquino para resolbahin ang pinanga­ngambahang power shortage sa summer ng 2015.

Ito ay sa kabila ng pagtutol ng mga nasa oposis­yon dahil iginigiit nilang hindi na raw kailangan ng emergency power ni PNoy.

Kahit nagsasalita at pilit pinipigilan nina Bayan Muna Rep. Neri Colmenares at Buhay Rep. Lito Atienza ang botohan ay hindi ito pinansin ng tumata­yong presiding speaker na si Deputy Speaker Carlos Padilla at itinuloy ang botohan sa second reading.

Pagkatapos, agad itong isinalang sa third and final reading sa Kamara.

Sa botong 149 pabor at 18 hindi ay inaprubahan ang House joint resolution 21.

Nakatutok sa interruptible load program ang solus­yong gagamitin ng gobyerno sa pagtugon sa kakula­ngan sa suplay ng kuryente.

Una ng sinabi ng DOE na 1,004 megawatts ang kakulangan na kailangang punuan.

BAYAN MUNA REP

BUHAY REP

DEPUTY SPEAKER CARLOS PADILLA

HOUSE JOINT RESOLUTION

INAPRUBAHAN

KAMARA

LITO ATIENZA

NERI COLMENARES

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with