Hihilingin ni PNoy sa Santo Papa ‘Ipagdasal ang Pilipinas’
MANILA, Philippines - Hihilingin ni Pangulong Aquino sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas sa Enero 2015 na ipagdasal nito ang bansa dahil palagi tayong dinadalaw ng bagyo, lindol at pagsabog ng bulkan.
“Yung for the country, we are visited by so many typhoons, and they come here at very unseasonal moments and they’re very strong. We also have the earthquakes and the volcanoes and parang our ability to stop the cycle of destruction and reconstruction. The goal really is to, when we reconstruct, it’s better. It withstands the glowing intensity of the effects of global climate change better, and our people are spared the ravages of the increasing challenges. So, ‘di ba, parang… I’m sure are asking: Why are we being visited with all of these always at this point when it is supposed to be the most joyous and most celebratory period of the year,” wika ng Pangulo.
Nakatakdang bumisita si Pope Francis sa bansa mula Enero15-19 kung saan ay magkakaroon ng pagkakataon ang Pangulo na makausap ang Santo Papa sa loob ng isang oras sa Malacañang.
Dadalawin din ng Santo Papa ang mga biktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban City at magdadaos din ito ng misa sa Manila Cathedral gayundin sa Quirino Grandstand. (Rudy Andal)
- Latest