Smartmatic tuloy sa bidding
MANILA, Philippines – Maaaring magpatuloy sa Disyembre 4 ang bidding para sa suplay, lease o pagbili ng Precinct Count Optical Scanner (PCOS) makaraang hindi magpalabas ang Supreme Court ng temporary restraining order na pipigil sana sa Commission on Elections sa pagsasagawa ng naturang proseso.
Sa en banc session kahapon, inatasan lang ng SC ang Comelec at Smartmatic-Total Information Management (TIM) Corp. na sagutin ang petisyong isinampa ni dating Assemblyman Homobono Adaza.
Maaari ring makalahok ang Smartmatic-TIM sa bidding para sa P2 billion contract dahil hindi inaksyunan ng SC ang hiling ni Adaza na idiskuwalipika ang kumpanya dahil sa umano’y mga paglabag nito sa mga batas sa eleksyon.
Binigyan lang ng Korte ng 10 araw ang Comelec at ang Smartmatic para sagutin ang petisyon ni Adaza.
Sinabi ni Smartmatic Philippines Cesar Flores na walang dahilan para hindi lumahok ang kanyang kumpanya sa halalan.
- Latest